Skip to main content

Mark D. Manalo: Kanto Terror, PWR, and His Ultimate Goal

 

With PWR Renaissance fast approaching, Philippine Wrestling Revolution stars are all fired up to steal the show, with some of them going for gold.

It will be a three-way fight for the PWR Champion, while 4 men duke it out in a tournament to become the first-ever Philippine Hybrid X (PHX) Champion.

Also advertised for this Saturday, September 26, is Mark D. Manalo, who will be in action a month after a vicious attack by The Apocalypse on him and mentor Kanto Terror at PWR Live.

Smark Henry caught up with the energetic and entertaining PWR wrestler via e-mail, and these are what he has to say. The interview is in a mix of English and Filipino.

Mark D. Manalo at PWR Live.

Smark Henry: Hello Mark! How are you right now? Kamusta sa Batangas? 

Mark D. Manalo: Eto, ayos naman. Masaya pa rin.

SH: Hindi ka naman naapektuhan ng INC rally noong nakaraang buwan, ano? 

MDM: Haha. Hindi naman, sa awa ng Diyos. Ahahaha!

SH: Have you recovered well from PWR Live, after Apocalypse wreaked havoc and had both you and Kanto Terror in his sights? 

MDM: *nose bleeds* Maayos na naman ako physically, medically cleared na ako to compete.

SH: Any updates on Kanto Terror? Kamusta siya at ang mata niya?

MDM: Pinasabi niya sakin na ‘wag muna ako mag-comment about sa kanya... Siya yung magsasalita tungkol dito.

SH: Speaking of Kanto Terror, siya ang kumuha sa iyo from the crowd last February at PWR Terminus and has somehow taken you under his wing since. From being a fan to having a fanbase, how's your PWR career so far? 

MDM: Nakakatuwa na unti-unting natutupad yung mga pangarap ko sa buhay. Dati, kahit taga-ayos lang ng wrestling ring, magiging masaya na ako. Pero binigyan ako ng kakaibang oportunidad para maging isang ganap na pro wrestler.

SH: Kamusta palang coach at mentor si Kanto Terror? 

MDM: Madalas siyang lasing, kaya hindi niya naituturo yung mga wrestling basics. Ahahahaha! Pero nandiyan naman sina Bombay Suarez at Jake de Leon para ituro 'yun. Naging mentor si KT sa ibang aspeto ng buhay.

SH: Who brought you into this dance? I mean, sino ang naging inspirasyon mo para maging wrestler?

MDM: “Stone Cold” Steve Austin. 'Nuff said.

SH: Bakit pala "Take on Me" ang entrance theme mo? Saan galing 'yun? 

MDM: Gusto ko sana “Enter Sandman” ng Metallica. Kaso sabi ni Mayhem, 'di raw bagay sa akin, kaya hayun, “Take on Me.” Kasi groovy. Haha!

SH: Sa tingin mo, sino sa PWR ang pinakamagaling? Ang kailangan pang mag-step up? Ang pinakanakakatakot? At ang pinakagusto mong makalaban in the near future? 

MDM: Pinakamagaling na wrestler sa PWR ay si Jake De Leon. Sa kabila ng pagiging marangya, hindi 'yun naging hadlang para sa kanya na magkaroon ng koneksyon sa masa. Higit pa dun eh... nakita mo na ba mga cartwheels niya?

Sa tingin ko, ako yung kailangan pang mag-step-up dahil marami pa akong dapat matutunan.

Si Apocalypse ang pinakanakakatakot.

Gusto kong makalaban ang magiging PWR Champion sa hinaharap.

Manalo brings it to The Apocalypse at PWR Live.

SH: Let's play word association. Banggitin mo lang ang unang salita o phrase na papasok sa utak mo:

PWR Bootcamp
MDM: Experience.

The Royal Flush
MDM: Elitista.

Mr. Sy
MDM: Meh.

Mayhem Brannigan
MDM: #right

Chris Panzer
MDM: PAPA!

Ken Warren
MDM: Kulot.

Ralph Imabayashi
MDM: EXPLOSIVE!

"Senyorito" Jake de Leon
MDM: #truechampion

Bombay Suarez
MDM: Trainer.

Kanto Terror
MDM: Idol.

Apocalypse
MDM: Hibang.

"Classical" Bryan Leo
MDM: Mr. Clean.

PWR Championship
MDM: Ultimate goal.

Manalo with coach Kanto Terror.

SH: Bago ka namin pakawalan, we just have a few more questions:

Outside of wrestling, anong pinagkaka-abalahan mo? Sino si Mark D. Manalo kapag wala sa wrestling ring? 

MDM: Kasalukuyan akong nag-aaral ng engineering sa isang pamantasan sa Maynila. Isa lang akong karaniwang kabataan: aral, laro ng DoTA, atbp.

SH: May mga nahahagip kaming comments online tungkol sa iyo at sa ilang PWR wrestlers, specifically sa inyong timbang o figure. To put it lightly, karamihan sa inyo eh may katabaan. In the event that someone tells you that observation in your face, how will you respond? 

MDM: Hindi ko sila masisisi kung napupuna nila yung katawan ko, kasi namulat ang karamihan na dapat mala-Machete yung hulma ng katawan ng mga pro wrestlers. At saka di ko na rin iniisip 'yun, kasi ako 'yung nasa ring at hindi sila. Kaya sorry na lang. Ahahaha!

SH: May resemblance ang character mo kay Santino Marella ng WWE. (Wala nga lang 'yung Cobra.) Pero nag-aalala o natatakot ka ba na makilala ka lang dahil sa comedy bits mo, tulad ni Santino? 

MDM: 'Di ako nagagambala na maalala nila ako dahil pinapasaya ko sila sa paraang iyon.

Mas nag-aalala ako kapag 'di na nila ako maalala.

SH: Ano ba talaga ang gustong matupad ng isang Mark D. Manalo sa PWR? 

MDM: Gusto kong maging kauna-unahang PWR tag team champion, pero mukhang mapo-postpone 'yun. Kapag handa na ako, PWR Championship ang gusto kong makamit.

SH: Ano ang gagawin mo sa PWR Renaissance. Uulitin mo ba ang napurnadang Bootcamp Challenge mo, o may iba kang plano? 

MDM: Nilagay ako ni Mr. Sy sa pre-show sa isang bootcamp challenge na hindi natuloy nung nakaraan.

SH: And finally, anong mensahe mo sa iyong mga fans at sa buong PWR? 

MDM: Maraming salamat sa pagsuporta niyo hindi lang kay Kanto Terror, at hindi lang sa akin, kundi sa PWR bilang isang kumpanya.

Tandaan niyo: kayo ang dahilan kung bakit may PWR!

*****

Catch Mark D. Manalo and other PWR wrestlers this Saturday, September 26, at the Makati Square Arena for PWR Renaissance! Tickets worth P300 are still on sale!

All photos by Hub Pacheco

Trending This Week

The Smark Henry RAW Report (9/19/17): WANTED: Part-Timers

The Smark Henry Hip Toast: Gigz Stryker

Bobby "The Brain" Heenan (1943-2017)

The Smark Henry Mae Young Classic Review: The Finals

The Smark Henry RAW Report (9/11/17): Amorether